Iskandalo ng BINI Miyembro, Nag-viral sa Social Media
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang ilang miyembro ng sikat na pop group na BINI, partikular sina Jhoanna Robles, Colet Vergara, at Stacey Sevilleja. Dahil dito, nanguna sa trending topics sa X (dating Twitter) ang mga pangalang “Colet,” “Blooms,” at “BINI.”
Isang video ang kumalat kung saan makikitang nakaupo si Jhoanna sa isang sofa habang nakikipagbiruan kina Ethan David mula sa P-Pop GAT at dancer na si Shawn Castro. Makikita ang mga biro na tila naglalaro sa sensitibong usapin.
Pagbanggit sa Isang 13-Taong-Gulang, Nagdulot ng Matinding Reaksyon
Sa video, maririnig ang boses ni Stacey na nagsabing, “Ganyan ginagawa niya kay Ashley… Sinasabunutan.” Kasunod nito, may babaeng kasama sa usapan na nagsabi, “Oo, 13 years old,” na sinang-ayunan naman ni Jhoanna.
Hindi malinaw kung sino si Ashley, ngunit pinaghihinalaan ng mga netizens na ito ay ang 13 taong gulang na dating kasintahan ni Ethan. Dahil dito, marami ang nadismaya at naglabas ng sama ng loob dahil tila ginawang biro ang usapin tungkol sa grooming at sexual abuse.
Reaksyon ng mga Fans at Netizens
Isang tagasuporta ang nagpahayag ng kanyang pagkabigla, na sinabing seryoso siya pagdating sa mga isyung sekswal, lalo na kung may minor de edad na sangkot. Ani niya, hindi dapat gawing biro ang ganitong mga bagay.
Samantala, may isang netizen na matinding kinastigo ang mga nabanggit na miyembro pati na rin sina Ethan at Shawn dahil sa pag-normalize at pagpapatawa sa mga usapin ng grooming at sexual assault. Tinawag pa nilang “nakakadiri” ang kanilang ginawa.
Dahil dito, may grupo ng netizens na nanawagan na agad tanggalin sa BINI sina Colet, Jhoanna, at Stacey. Binigyang-diin nila na kung hindi ito gagawin, hindi na nila susuportahan ang buong grupo.
Opisyal na Pahayag ng Fandom na Blooms
Pati ang opisyal na fandom ng BINI na Blooms ay naglabas ng kanilang pahayag. Hiniling nila sa grupo at sa management na magbigay linaw sa nangyari upang maayos na matugunan ang kontrobersiya.
Ayon sa kanilang pahayag, nais nilang ipakita ng BINI ang responsibilidad at muling patunayan ang kanilang pagpapahalaga sa pagpapalakas at pag-angat ng kababaihan. Pinanawagan nila na gawing pagkakataon ang insidente para sa pag-unlad at pagninilay.
Pagpapatuloy ng Suporta pero May Paalala
Nilinaw din ng fandom na hindi nila iiwan o kokondenahin ang mga miyembro, subalit ito ay paalala na huwag balewalain ang mga ganitong isyu. Bukod pa rito, tinawag nilang mahalaga ang pagiging mulat sa mga ganitong social concern.
Sa huli, nananatiling bukas ang pahayagan para sa mga nais magpaliwanag hinggil sa viral na video na nag-ugat ng kontrobersiya.