Massive Gun License Renewal Caravan in Cebu
Natapos na nitong Miyerkules, Mayo 7, 2025, ang dalawang araw na One-Stop Shop caravan para sa pagpaparehistro at pag-renew ng lisensya sa mga armas sa mga gunholder. Ito ay para sa mga whose license to own and possess firearms outside residence ay expired na, lalo na ngayong papalapit ang National at Local Elections sa Mayo 12.
Maraming Gunholder ang Nakibahagi
Ayon sa Cebu City Police Office, halos 1,000 gunholder ang nag-renew sa naturang caravan. Samantala, base sa datos ng Police Regional Office 7, mahigit 4,000 pa ang hindi nakapagsagawa ng renewal. Dahil dito, inilunsad ang mabilisang serbisyo upang tulungan ang mga gunholder na makapagproseso bago ang halalan.
Patuloy na Pag-renew at Babala sa Gunholders
Ipinaalala rin na ang mga gunholder na hindi nakapag-renew sa caravan ay maaari pa ring bumisita sa Civil Security Unit 7 para gawin ito. Bukod pa rito, sinabi ng pulisya na kung may mga gunholder na magpapabaya, magpapatupad sila ng police operation laban sa mga loose firearms.
“Ito na ang pagkakataon nilang i-renew ang kanilang mga baril. Kung hindi, patuloy namin silang paiigtingin ng paalala at gagawa ng operasyon laban sa kanila,” ani ng hepe ng pulisya.
Garantiya sa Kaligtasan ng Eleksyon
Lahat ng kandidato sa Cebu City na may mga armas ay narehistro na matapos ang mga panawagan sa nakaraang mga buwan. Tinitiyak ng kapulisan na magiging maayos at ligtas ang eleksyon sa Mayo 12, 2025, upang mapanatili ang kapayapaan sa syudad.
Ang One-Stop Shop caravan ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng kapulisan na mapanatili ang seguridad ng publiko, lalo na sa panahon ng halalan.