Comelec Receives Hundreds of Vote-Buying Reports
Mahigit 400 ulat ng vote-buying, vote-selling, at paggamit ng state resources para sa Eleksyon 2025 ang natanggap ng Comelec Committee on Kontra Bigay (CKB). Ayon sa pinuno ng komite, umabot na sa 439 ang naitala hanggang Mayo 8.
Sa bilang na ito, 268 ang kaso ng vote-buying at vote-selling samantalang 130 naman ang may kinalaman sa abuse of state resources (ASR). May 41 ulat rin na kombinasyon ng dalawang uri ng paglabag.
Mga Uri ng Vote-Buying at Pinakamataas na Rehiyon
Karaniwang may kinalaman ang vote-buying sa pamimigay ng pera, tulong pinansyal, at pamimigay ng mga goods. Pinakamadalas na lugar ng mga ulat ay ang Calabarzon, Cagayan Valley, Metro Manila, Bicol, Mimaropa, at Ilocos Region.
Samantala, nangunguna naman sa mga probinsiya ang Laguna, Marikina, Rizal, Bulacan, at Oriental Mindoro pagdating sa bilang ng reklamo.
Striktong Panukala ng Comelec
Para labanan ito, nagpatupad ang Comelec ng mas mahigpit na hakbang simula pa noong Pebrero. Kabilang dito ang pagbabantay sa digital transactions upang maiwasan ang vote-buying gamit ang mga e-wallet.
Ang abuse of state resources ay tumutukoy sa maling paggamit ng mga government resources tulad ng kagamitan, tao, pondo, at iba pa para sa pabor ng kandidato. Kabilang dito ang paggamit ng sasakyan, pasilidad, at media na pag-aari ng gobyerno para sa kampanya.
Dagdag pa rito, itinuturing ding ASR ang pagbibigay ng tulong na may kasamang campaign materials o kapag kasama ang kandidato o kanilang pamilya. Kasama rin ang hindi makatarungang pag-aalis o pagbibigay ng tulong, at biglaang pagtaas ng mga job order na may kinalaman sa partidong pampulitika.
Bagamat mas mababa ang bilang ng mga ulat ngayong 2025 kumpara sa 2022 na umabot ng 1,226, patuloy ang pagbabantay ng Comelec upang matiyak ang malinis na halalan.