Inanunsyo ng Department of Agriculture – Bids and Awards Committee (DA-BAC) ang pagkakaloob ng kontrata para sa lease ng venue kasama ang pagkain at accomodation. Ito ay para sa Capacity Enhancement program ng F2C2 personnel na gaganapin mula Abril 21 hanggang 24, 2025 sa NCR (Metro Manila).
Dahil dito, napili ang Tiara Oriental Hotel (Mandalay Tourist Hotel, Inc.) bilang opisyal na venue provider. Ang kabuuang halaga ng kontrata ay nagkakahalaga ng siyam na raan at animnapung libong piso (PhP 960,000.00).
Ang programang ito ay nakatuon sa pagbuo ng Cluster Development Plan (CDP) na mahalaga sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga tauhan ng F2C2.
Para sa karagdagang detalye at dokumento, mangyaring tingnan ang kalakip na link.