Endangered green sea turtle found dead in Anda, Bohol
Isang patay na endangered green sea turtle ang natagpuan kamakailan sa isang resort sa Anda, Bohol. Bukod dito, napansin ng mga awtoridad na may butas na dinukot sa kanyang shell at tinali pa gamit ang lubid.
One Pawikan Initiative condemns cruelty
Mariing kinondena ng One Pawikan Initiative, isang grupo na naglalayong pangalagaan at protektahan ang mga pawikan sa bansa, ang insidente. Ayon kay Mark David De Guzman, tagapagtatag ng grupo, itinuturing itong cruelty dahil labag ito sa natural na pamumuhay ng mga pawikan.
“Maituturing po natin siyang cruelty kasi po ito po ay labag sa pamumuhay ng pawikan. Hindi po ito maganda at nakakaapekto sa natural biology ng mga pawikan,” ani De Guzman.
Legal grounds against harming endangered green sea turtle
Ang pagbutas at pagtali sa shell ng pawikan ay lumalabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Dahil dito, maaaring makulong ng hanggang labindalawang taon at pagmultahin ng hanggang isang milyong piso ang sinumang masasangkot.
“Puwede pong makulong ng hanggang labindalawang taon at magmulta ng hanggang isang milyong piso,” dagdag pa ni De Guzman.
Calls for thorough investigation by authorities
Hinimok ni De Guzman ang mga ahensiya gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism na manguna sa imbestigasyon. Aniya, mahalagang mahuli ang mga responsable upang maiwasan ang pag-ulit ng ganitong gawain.
“Dapat po ang mga awtoridad, kagaya po ng DENR at Department of Tourism, ay manguna po sa pagsasagawa ng imbestigasyon. Mahalaga po na maimbestigahan ito lalo na po sa local government unit kasi po kapag hindi, magpapatuloy po ang ganitong gawain,” paliwanag niya.
Local government condemns incident, awaits updates
Malakas din ang pagkondena mula sa lokal na pamahalaan ng Anda, Bohol. Ayon kay Ma. Reigelyn Malarijes, municipal agricultural officer ng Anda, mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng coastal resource management.
“We have a very strong implementation of our coastal resource management. Naghihintay po kami ng update from DENR since we cannot trace po sir kung sino po talagang may gawa no’n,” sabi ni Malarijes.
Hanggang ngayon, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang salarin at mapanatili ang proteksyon sa endangered green sea turtle sa lugar.