LTO Revokes Nearly 100 Licenses After Drivers Fail Drug Tests During Holy Week

LTO Ipinawalang Bisa ang Lisensya ng Halos 100 Drivers na Positibo sa Droga

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes na na-revoke ang driver’s license ng 98 na motorista matapos silang mapatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, sumailalim muna ang mga motorista sa confirmatory drug test bago tuluyang na-revoke ang kanilang mga lisensya. “Na-revoke na po ‘yan with perpetual disqualification,” ani Mendoza.

Karamihan sa mga positibo ay mga provincial bus drivers, kung saan 55 sa 98 kaso ay mula sa Zamboanga Peninsula. Dahil dito, pinayuhan ang publiko na maging maingat sa pagpili ng mga sasakyang nilalakaran.

Nagpasalamat naman si Transportation Secretary Vince Dizon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang pagsasagawa ng drug testing campaign ngayong Holy Week. “Sila nakahuli eh. Isipin mo, 100, madami ‘yun ah. At posibleng magdulot ng aksidente tulad ng nangyari sa Solid North dahil sa impluwensya ng droga,” paliwanag niya.

Noong nakaraang buwan, iniulat ng LTO na na-suspend nila ang 671 driver’s licenses dahil sa mga road accidents at positibong drug test.

Mandatoryong Drug Testing sa PUV Drivers

Sa gitna ng mga serye ng aksidente sa kalsada, inanunsyo ni Dizon na magiging required na ang drug testing para sa lahat ng driver ng public utility vehicles (PUV). Layunin nitong mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero at motorista sa kalsada.

Isa sa mga dahilan nito ay ang multiple-vehicle collision noong Huwebes sa Tarlac City Toll Plaza sa Subic-Clark-Tarlac Expressway, na kumitil sa buhay ng 10 tao, kabilang ang apat na bata. Samantala, dalawang tao rin ang namatay nitong Linggo nang bumangga ang isang SUV sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Mahigpit na pinapalakas ng pamahalaan ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga motorista at pasahero laban sa mga delikadong aksidente dulot ng paggamit ng ilegal na droga.

Hot this week

Kitty Duterte Honors Duter-ten, Vows to Fight for Father and Country

Kitty Duterte Thanks Duter-ten Senators Veronica "Kitty" Duterte, the youngest...

Incognito : May 28 2025 –

Incognito — A 2025 action-drama teleserye that redefines the...

Batang Quiapo : May 29 2025

Batang Quiapo — Set in the bustling heart of...

Filipino in New York Holds Special Mass for Pope Francis at St. Patrick’s Cathedral

Filipino in New York honors Pope Francis with Mass at St. Patrick’s Cathedral. Cardinal Dolan leads prayers before departing for the papal funeral.

Batang Quiapo : May 26 2025

Batang Quiapo — Set in the bustling heart of...

Related Articles

Popular Categories