Malakas na Suporta sa Kampanya ng Team Byaheng Kalinaw ug Panaghiusa sa Nabunturan, Davao de Oro
Muli, ipinakita ng mga tao sa Nabunturan, Davao de Oro, ang kanilang matinding suporta para sa Team Byaheng Kalinaw ug Panaghiusa. Noong nakaraang buwan, mahigit 30,000 ang dumalo sa kanilang unang pagbisita. Samantala, ngayong gabi, tinatayang higit 40,000 ang nagtungo sa miting de avance para ipakita ang matibay na suporta.
Kampanya Nang Walang Artista, Suportado ng Marami
Sa kanyang talumpati, hinamon ni Noe “Butchoy” Taojo, na tumatakbong kongresista sa Ikalawang Distrito, ang mga tao kung napansin nila ang kakaiba sa kanilang kampanya. “Wala ba mo matingala nga wala mi dala artista? Gituyo gyud namo aron makita namo ang tinud-anay ninyong suporta,” ani Butchoy.
Dahil dito, nalaman nila na tunay ang suporta ng mga nanonood. Dagdag pa niya, “Ug karong gabhiona, sa kadaghan ninyo, kami gyud diay ang inyong gianhi.” Ipinakita nito na hindi kailangan ng kilalang personalidad para makuha ang tiwala ng masa.
Pangakong Magpapatuloy sa Proyekto Para sa Bayan
Sa kabila ng kawalan ng artista, malinaw ang pagmamahal ng mga tao sa pangakong pagbabago. “Sa inyong kadaghan, klaro nga landslide na ta diri sa Nabunturan,” ani Butchoy. Pinayuhan din niyang huwag nang patagalin pa ang usapan at magdiwang na.
Panghuli, nangakong sisikapin niyang makakuha ng pondo para maipagpatuloy ang mga proyekto ng kasalukuyang kongresista na tumatakbong gobernador. “Maningkamot ko nga makakuha og pondo para sa atong distrito, aron mapadayon nato ang mga proyekto ni Cong. Ruwell. Kana, para gyud na sa katawhan — walay ibulsa,” pagbibigay-diin ni Butchoy.
Dahil dito, lumalakas ang pag-asa ng mga taga-Nabunturan sa nalalapit na halalan.