Embassy Seeks Clarity on US Migrant Transfer Plan
Nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad ng US immigration para linawin ang balak na ilipat ang ilang nakadetineng migrante, kabilang ang mga Pilipino, sa ibang bansa gaya ng Libya. Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, nais nilang malaman ang eksaktong detalye ng plano.
Bukod dito, tinatanong rin ng embahada ang kalagayan ng mga Pilipinong nasa kustodiya ng US, pati na rin kung ilan sa kanila ang may utos nang paalisin o i-deport mula sa Amerika.
Handang Tanggapin ng Pilipinas ang Mga Apektadong Pilipino
Sinabi ni Romualdez na ipinaalam na nila sa U.S. Homeland Security Secretary at U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) na tatanggapin ng Pilipinas ang lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang legal na estado. Dagdag pa niya, bukas ang embahada sa pakikipagtulungan upang maayos ang proseso ng pagpapauwi ng mga Pilipinong nakadetine.
Samantala, nitong Miyerkules, naglabas ng kautusan ang isang federal judge para pansamantalang ipahinto ang paglipat ng mga migrante sa Libya o sa iba pang bansa. Ito ay matapos ang mga batikos mula sa iba’t ibang sektor, kabilang na ang Senado, na tinawag ang plano bilang “cruel”.
Libya, Tumangging Tumanggap ng Mga Migrante
Hindi rin tinanggap ng pansamantalang gobyerno ng Libya na gawing destinasyon ang kanilang bansa para sa mga ipinatapon na migrante mula sa US, lalo na kung walang pahintulot. Dahil dito, lalong naging komplikado ang usapin ng posibleng paglipat sa nasabing bansa.
Embassy Offers Legal Assistance, Urges Voluntary Return
Handa ang embahada na tumulong sa mga Pilipino na may problema sa immigration, pero kailangang ito ay gawin sa loob ng legal na pamamaraan. Muli ring hinimok ni Romualdez ang mga Pilipino na ilegal o nag-overstay sa US na mag-voluntaryo na umuwi, lalo na kung wala nang legal na paraan upang ayusin ang kanilang status.
“Ang pinakamabuting payo namin ay maghanap ng legal na paraan para sa kanilang kapanatagan ng loob,” dagdag pa niya. Dahil dito, mas mainam na umiwas sa komplikasyon ang mga Pinoy sa US at unahin ang kanilang kaligtasan at karapatan.