Malaking Putol sa Pondo ng NASA Nakapaloob sa 2026 Budget ni Trump
Inihain ni US President Donald Trump ang 2026 budget proposal na naglalaman ng 24% bawas sa pondo ng NASA. Dahil dito, maraming pangunahing proyekto ng ahensya ang maaaring tuluyang isuspinde o kanselahin.
Pagkansela ng Space Launch System at Orion Spacecraft
Kabilang sa mga apektadong programa ang Space Launch System (SLS) at Orion spacecraft. Layunin ng dalawang ito na ibalik ang mga tao sa buwan. Ngunit matagal nang kinukwestiyon ang mamahaling gastusin at pagkaantala ng mga ito.
Mababanggit sa panukalang badyet na ang SLS ay 140% over budget, ngunit isang beses lang ito nakalipad sa kalawakan. Samantala, tinatayang aabot sa $4 bilyon ang gastos sa bawat susunod na paglulunsad.
Epekto sa Industriya ng Aerospace
Hindi lang proyekto ang maaapektuhan kundi pati ang mga kontratang ibinigay na sa aerospace industry ng Amerika. Halimbawa, ang Lockheed Martin ay kasalukuyang gumagawa ng ikaapat nilang Orion spacecraft para sa misyon sa buwan, pero maaaring mapawalang-saysay ito dahil sa budget cut ni Trump.